ASHS IndAK, hinamon ang mga Atenista sa #LigayaChallenge

Noong ika-17 ng Oktubre 2020, inihayag ng Indayog ng Atenistang Kabataan (IndAK) sa Facebook page ng ASHS Sanggunian ang panibagong hamong tinatawag na Ligaya Dance Challenge. Inilunsad ito bilang pagsama sa pagdiriwang ng Ateneo Senior High School ng Buwan ng Wika ngayong Oktubre. 

Ipinakita sa video ang hamong gumamit ng kantang “Ligaya” ng Eraserheads na patok noong ‘90s. Ang sayaw naman ay ipinakita ni Raphael Hizon, isang kasapi ng IndAK, sa pamamagitan ng isang Tiktok video.

Naglabas din ang ibang miyembro ng IndAK ng kanilang mga video na ginagawa ang #LigayaChallenge ilang minuto matapos ipaskil ito sa page ng ASHS Sanggunian. Sumali rin ang ilang mga Atenista, at nag-tag ng kanilang mga kaibigan upang gawin din ang dance challenge sa Tiktok. 


Ana Rufa V. Padua