Inanunsyo ng Komite ng Buwan ng Wika ang lahat ng nagwagi sa timpalak Harana at Origs sa pangwakas na programang Pinoytuntunan noong Oktubre 29.
Ang 11 – Wright ang nagwagi sa karangalang “Pinakamahusay na Biswal” sa timpalak Harana. Nakamit naman ng 11 – Realino, 11 – Hoyos, 11 – San Vitores, at 11 – De Brito ang ikalawa, ikatlo, ikaapat, at ika-limang karangalan, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Nagwagi ang 11 – Realino sa karangalang “Pinakamahusay na Musika” para sa timpalak Harana. Napanalunan ng 11 – Wright, 11 – Gavan, 11 – De Brito, at 11 – Hoyos ang ikalawa, ikatlo, ikaapat, at ika-limang karangalan, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Napanalunan naman ng 12 – Holland ang karangalang “Pinakamahusay na Liriko” sa timpalak Origs. Sa kabilang banda, nakamit ng 12 – Anchieta, 12 – Grodecky, 12 – Bobola, at 12 – Xavier ang ikalawa, ikatlo, ikaapat, at ika-limang karangalan, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Nakamit ng 12 – Holland ang unang gantimpala para sa kategorya ng “Pinakamahusay na Biswal” para sa timpalak Origs. Nasungkit ng 12 – Anchieta, 12 – Ogilvie, 12 – Bobola, at 12 – Xavier ang ikalawa, ikatlo, ikaapat, at ika-limang karangalan, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Nanalo sa karangalang “Pinakamahusay na Musika” para sa timpalak Origs ang 12 – Holland. Nakamit ng 12 – Anchieta, 12 – Ogilvie, 12 – Pro, at 12 – Xavier ang ikalawa, ikatlo, ikaapat, at ika-limang karangalan, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Mapapanood ang lahat ng entry para sa Harana at Origs sa Youtube Channel ng ASHS Sanggunian. Mapakikinggan din sa Spotify ang Origs 2020 album sa susunod na buwan.
Gillian Angnged
