CSO, Inilunsad ang Christmas Donation Drive na Kabilang Sa Programa ng Tanging Yaman Foundation

Bilang pakikilahok sa programa ng Tanging Yaman Foundation Inc. (TYF) na ‘Christmas for Others in a Time of Pandemic’, inilunsad ng Council of Student Organizations (CSO) ang donation drive na pinamagatang “CSO Christmas Donation Drive.”

Pormal na inihayag ang pagtawag para sa mga donasyon noong ika-24 ng Oktubre, 2020 sa Facebook page ng Ateneo de Manila Senior High School (ASHS) Sanggunian. Lahat ng donasyong matatanggap ay ipadadala sa TYF na  magpapamahagi ng mga Noche Buena package

Sa bawat Noche Buena package, mayroong hamonado, spaghetti, fruit cocktail, powdered juice, at cookies. Ipapadala ang mga ito sa mga mahihirap na pamilya ng mga diyosesis ng Caloocan at Novaliches, pati na rin sa mga medical frontliners na nagtatrabaho sa mga ospital sa probinsya.

Layunin ng CSO na itaguyod ang paglilingkod bilang pamumuno o servant leadership at magpakitang-halimbawa sa Ignatian Value na tao para sa kapwa (person for others) sa pamamagitan ng donation drive na kanilang inilunsad.

Para sa karagdagang impormasyon kung paano mag-donate, maaring pumunta sa https://www.facebook.com/ASHSSanggu/posts/1041707846289789


Ana Rufa Padua