Isinulat ni Regina Elaine Vendivil
May naitalang 1.5% na pagbulusok sa produksyon ng sektor ng agrikultura sa bansa mula Abril hanggang Hunyo 2021, kumpara sa 0.5% na pagbaba noong nakaraang taon.
Ang rate ng pagbaba ng agrikultura ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Lunes, Agosto 9, ay pinangunahan ng produksyon ng livestock na may matinding pagbagsak na 19.3%, kasama ang pagbaba ng produksyon ng baboy na 26.2% dulot ng African Swine Fever (ASF).
Ayon sa pinuno ng Pork Producers Federation of the Philippines, Inc., Rolando E. Tambago, inaasahan pa rin ang patuloy na pagbagsak sa produksyon ng baboy sa unang bahagi ng 2022.
“Many hog raisers are still scared due to the risk of ASF and with low consumer demand brought by the COVID-19 pandemic… Further, with the major consuming population affected by lockdowns, and with the entry of cheap pork imports, local pork producers just cannot compete in terms of production,” ani Tambago.
(Maraming mga may alaga ng baboy ang takot parin sa panganib na dala ng ASF, kasama na ang mababang demand dulot ng pandemya… Dagdag pa rito, dahil sa murang pag-aangkat ng baboy, pati na rin ang mga epekto ng lockdown sa malaking populasyon ng mga konsyumer, hindi kayang makipagkumpetensya ng mga lokal na manggagawa sa produksyon.)
Ang produksyon ng isda ay bumagsak din ng 1.1%, kung saan may nairekord na -34.9% kontraksiyon sa yellowfin tuna, -16.9% sa galunggong, at -13.7% sa fimbriated sardines .
Iniulat ni Roy. S. Kempis, isang propesor mula sa Pampanga State Agricultural University, na naapektuhan ang pangingisda ng mga Pilipino sa West Philippine Sea dahil sa patuloy na presensiya at pagdaong ng mga barkong Tsino rito.
“We are continually losing access to this fishing area… While warmer waters aid in food digestion in fish, there is a limit to this. Dissolved oxygen decreases as sea and freshwater temperature rises. This is stressful and could kill or develop diseases among fish,” ani Kempis.
(Patuloy kaming nawawalan ng access sa pangisdaang ito … Habang nakatutulong ang mainit na tubig bilang panunaw ng pagkain ng mga isda, may hangganan din ito. Kapag nababawasan ang dissolved oxygen, tumataas ang temperatura ng dagat at tubig-tabang. Nakapagdudulot ito ng stress at maaaring pumatay o magdala ng mga sakit sa mga isda.)
Sa kabilang banda, ang produksyon ng manok, kasama ang itik, itlog ng manok, at itlog ng pato ay lumago ng 2.5%, at ang produksyon ng ani ay tumaas ng 3.1%.
May nakita ring 1.2% na pagtaas sa produksyon ng palay, at 6.3% sa produksyon ng mais.
Nilalayon ngayon ng Department of Agriculture na palaguin ang sektor ng 2% ngayong taon, na ibinaba mula sa paunang 2.5% na target. Subalit, batay sa mga nalistang estatistika, mababa lamang ang tsansa ng gobyerno na makamit ang layuning ito.
Sanggunian:
Rivas, R. (2021, August 9). Philippine agriculture dips 1.5% in Q2 2021. Rappler. Retrieved from https://www.rappler.com/business/philippines-agriculture-production-q2-2021?utm_term=Autofeed&utm_campaign=Echobox&utm_medium=Social&utm_source=Facebook&fbclid=IwAR1VebS0fX2iUWNkWuhn_5JBRG-YYv9vJCZazkeAYdlDqZvmou16Tuou6jY#Echobox=1628612525
Ochave, R. M. D. (2021, August 10). Agricultural output shrinks in Q2. Business World. Retrieved from https://www.bworldonline.com/agricultural-output-shrinks-in-q2/
Photo Source: RadyoMan
