Isinulat ni Ana Rufa Padua
Pansamantalang sinuspinde ang paggawa sa isang construction site sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig dulot ng sunog na nangyari kagabi, Agosto 11.
Ulat ng TXT Fire Philippines na unang nasaksihan ang sunog malapit sa Arya Residences lagpas alas siyete ng gabi (7pm).
Ayon sa panayam ni Taguig Mayor Lino Cayetano kasama ang DZBB Teleradyo, natamaan ang isang gas pipe sa gitna ng isang drilling operation na naging sanhi ng gas explosion.
โHindi dahil sa gas leak. May nag-trigger (ng sunog). Noong lumapit ang safety officer sa lugar, tsaka naganap ang pagsabog,โ sabi ni Cayetano base sa mga unang imbestigasyon.
Ayon sa Bureau of Fire and Protection-Taguig (BFP-Taguig), nagmula ang sunog sa MJ Fort Construction, at aabot ang pinsala sa ari-arian o damage to property ng humigit-kumulang Php 200,000.
Patuloy na iniimbestigahan ang buong kwento at sanhi ng insidente.
Isang biktima naman ang isinugod sa St. Lukeโs Medical Center matapos ito magdusa ng third degree burns dala ng nangyaring pagsabog.
Kinilala ang biktima bilang si Melchor Dela Cruz, isang safety officer sa on-going na proyekto.
Hindi na pinalikas ni Cayetano ang mga residente malapit sa nasunugang lugar dahil malayo naman daw ito residential buildings, ngunit pinalikas pa rin ang mga naroon sa nakapalibot na commercial properties.
Dumalo ang mga bumbero mula Metro Manila, mga fire volunteer, BGC management, personnel ng Barangay Fort Bonifacio, Taguig Mayor Lino Cayetano, at ang Taguig City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nang mangyari ang sunog.
Nagpadala rin ang The Philippine Red Cross ng mga bumbero at medics upang tumulong sa mga naapektuhan.
Tuluyang namatay ang sunog sa BGC Taguig lagpas alas nuwebe ng gabi (9pm), Agosto 11.
SANGGUNIAN:
- Hicap, J. (2021a, August 11). 1 hurt in fire in BGC in Taguig. Manila Bulletin. mb.com.ph/2021/08/11/fire-hits-area-in-bgc-in-taguig/
- Hicap, J. (2021b, August 12). Construction suspended at gas leak explosion site in BGC, Taguig. Manila Bulletin. mb.com.ph/2021/08/12/construction-suspended-at-gas-leak-explosion-site-in-bgc-taguig/
- Philippine Star. (2021, August 11). 1 brought to hospital after fire in BGC in Taguig. Philstar.Com. www.philstar.com/headlines/2021/08/11/2119311/fire-hits-construction-site-bgc-taguig
- Taguig City Government [I Love Taguig]. (2021, August 12). ๐๐ง ๐ญ๐ก๐ ๐๐ข๐ซ๐ ๐ข๐ง๐๐ข๐๐๐ง๐ญ ๐ข๐ง ๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐ข๐ญ๐ ๐ข๐ง ๐๐๐, ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ [Facebook Post]. Facebook. www.facebook.com/taguigcity/photos/a.644342738931553/4696305933735193/
Photo Source: Philstar
