ASHS, ipinagdiwang ang unang Community Mass ng S.Y. 2021-2022

By Regina Elaine Vendivil

Ipinagdiwang ng Ateneo Senior High School (ASHS) ang pinakaunang Holy Spirit Community Mass ng taong panuruan 2021-2022 na pinangunahan ni  Fr. Bobby Yap, SJ, pangulo ng Ateneo de Manila University, kanina, ika-13 ng Agosto, 2021.

Inanyayahan ang buong komunidad ng ASHS na sama-samang dumalo sa misa sa pamamagitan ng Zoom, habang ito ay naka-livestream din sa Youtube channel ng Ateneo de Manila University.

Sinimulan ni Fr. Yap ang kanyang homiliya sa pahayag na ang pagkakaroon ng Holy Spirit Mass ay isang tradisyong nagbibigay sa atin ng pagkakataong magnilay at ipagdiwang ang regalo ng buhay.

“Ultimately, we pray that the school year that lies ahead will be life-giving and transformative for each of us,” aniya.

Pinasalamatan din ni Fr. Yap ang mga guro at tauhan ng paaralan na patuloy na nagsusumikap upang paghandaan muli ang isang taon ng online setting, at ang mga magulang na walang-sawang sumusuporta. 

Mayroon din siyang mensahe para sa mga Juniors o ang mga mag-aaral sa ika-11 baitang; “We pray that… you will find a Holy Spirit blessing you with peace, insight, and joy.”

“For all our Ateneo Senior High students, we pray that the Holy Spirit will help you to discover those unique gifts in distinct calling in life to which you will make a disproportionate difference in our world,” dagdag pa niya. 

Inalala rin ni Fr. Yap ang buhay at kombersyon ni San Ignacio at kung paano niya isinabuhay ang katagang; “to see all things new in Christ.

“We celebrate this year to remind us of the daily opportunity to experience a new conversion and to live a transforming experience,” aniya mula sa isang liham na nagpapahayag ukol sa Ignatian year na isinulat ni Father Arturo Sosa, SJ.

Binaggit niya na ayon kay Hesus, mahal ng Diyos ang lahat ng tao anuman ang antas nito sa lipunan, lalo na ang mga “nasa laylayan ng lipunan.” 

“God’s ranking starts with God wanting to know from us… What have you done for others in need? Have you touched wounded creation with reverential care?,” ani Fr. Yap.

Sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan at maaaring maranasan natin sa pagpasok ng panibagong taon, pinaalalahanan niya ang komunidad ng ASHS na, “At Ateneo de Manila… No one is isolated. No one needs to stand alone in despair or darkness. Our summons from Jesus animates our mission and beckons us to walk with those with whom we work and study. Play and pray.”

Tinapos ni Fr. Yap ang kanyang homiliya na binibigyang diin ang pagtingin sa lahat ng mga bagay nang mistulang may bagong anyo kay Kristo, “As we advance through this academic year, may God bless us in our wonderful mission so we can truly claim that empowered by the Holy Spirit, we can see all thing new in Christ.”

Maaaring panooring ang buong misa sa Youtube channel ng Ateneo de Manila University sa https://www.youtube.com/watch?v=9y3fhhM8Kl4

Photo Source: ASHS Facebook Page | Rapa Bengzon