Sasah Sta Rosa, malaya na matapos ang limang buwan

Isinulat ni Ana Rufa Padua

Matapos ang limang buwang pagkakakulong, inihayag ng tagapagsalita ng Anakbayan Naga City na tuluyan nang nakalaya si Maria Jesusa “Sasah” Sta. Rosa. 

Si Sasah Sta. Rosa ay ang tagapagsalita ng organisasyong Anakbayan Jovenes at tagapangulo ng Anakbayan Naga City bago ito dinala sa punong himpilan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kadahilanang di umano’y may nakatago itong mga iligal na armas tulad ng baril, granada, at pulang bandera sa kanyang bahay.

Ayon sa isang tweet ng Anakbayan Nueva Ecija ukol sa pagpapalaya kay Sta. Rosa, “Ayon sa kanyang kampo, ang mga natagpuang baril, bala, granada, at iba pang armas ay tinanim lamang ng mga pulis at militar. Gayundin, ang address na nakalagay sa hinaing search warrant ay iba mula sa kanyang tunay na lokasyon.”

Alas tres ng Mayo 2, 2021 nang pilitang pinalabas ang buong pamilya ni Sta. Rosa at pinaluhod pa ang tiyuhin nito habang hinahalughog ng mga umipormadong personahe nang 40-minuto ang kanilang bahay.

Pormal na kinumpira naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas ang pag-aresto kay Sta. Rosa tanghali ng parehong araw at binanggit din nito na si Edgar Armes, vice executive judge ng Legazpi City Regional Trial Court, ang pumirma ng search warrant.

Isang araw matapos ito arestuhin, naglabas ng pahayag ang One Big Fight for Human Rights and Democracy (OBF-HRD) na kinokondena nila ang pagkakakulong sa kapwa Atenista nilang si Sasah Sta. Rosa. 

“Now more than ever, the Ateneo community must unite to demand the immediate release of our fellow Atenean, Sasah Sta. Rosa, other progressive leaders wrongfully detained, and ultimately hold the Duterte regime accountable for its criminal negligence and intensifying fascist attacks against the Filipino youth and people.”

(Kinakailangan nang magkaisa ng komunidad ng Ateneo upang idemanda ang agarang pagpapalaya sa kapwa Atenean natin na si Sasah Sta. Rosa, iba pang progresibong pinuno na inakusahan ng mali, at sa wakas ay panagutin ang rehimeng Duterte sa kriminal nitong kapabayaan at tumitinding pasistang pag-atake sa Pilipinong kabataan at mamamayan.)

Nakisali rin ang Buklod Atenista, isa sa mga alyansa ng limang unibersidad ng Ateneo, sa kilusang pagpapalaya kay Sta. Rosa. 

Saad ng alyansa na kahina-hinala at hindi makatao ang pagsasagawa ng operasyon at labag ito sa karapatan ni Sta. Rosa sa procedural due process.

Bukod kay Sasah, inaresto rin ang dating political prisoner na si Pastor Dan Balucio noong Mayo 2, 2021 alas kwatro ng umaga sa Barangay San Isidro, Sto Domingo, Albay.

Tinaniman din ng baril at granada ang kwarto ni Balucio at binutasan ang kotse ng isang kasapi ng National Council of Churches in the Philippines na kasama ni Balucio ng mga pulis sa araw ng kanyang aresto. 

Pinalaya si Balucio noong Agosto 16, 2021 ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban upang mapalaya ang ibang mga political prisoners

SANGGUNIAN:

Photo Source: Manila Bulletin