
Ni Marcus Suner
Ginunita ng mga mag-aaral ng Ateneo de Manila Senior High School (ASHS) ang PINOYTUNTUNAN 2022 noong Huwebes, 24 Nobyembre 2022 sa FLC Building para sa mga nasa ika-12 na baitang, at online namna para sa mga mga nasa ika-11 na baitang.
Sinimulan ang programa sa pagtatanghal ng Ateneo Music Industry Organization (MIO), at sumunod ang Dulaang Sibol sa pagkanta ng “Akin Ka Na Lang” ng Itchyworms.
Pinangunahan ni Gng. Czel Lacson, Pangalawang Punongguro para sa Administration, ang pag-anunsyo sa mga nagwagi sa PAKALIKNA: Buwan ng Wika 2022. Narito ang listahan ng mga nagwagi.
TULA:
- Unang Gantimpala: “Daíng ng Daing” (Nino Emmanuel D. Cornel, 12-Navarro)
- Pangalawang Gantimpala: “Ang Galit ay Pag-asa” (Erwin “Tito” Arroyo, 12-Bobola)
- Pangatlong Gantimpala: “Darnang Walang Kapa” (Alyannah Abarrientos, 11-Hurtado)
SANAYSAY (Tema: Kaadlawon: Pag-ahon Mula Sa Dilim)
- Unang Gantimpala: “Ang Walang Katapusang Gabi” (Ariana Shay S. Zafra, 11-Hoyos)
- Pangalawang Gantimpala: “Taho” (John Benedict Z. Maxino, 11-Hoyos)
- Pangatlong Gantimpala: “Sa Gitna ng Dilim” (Angeline Aizhel L. Uy, 11-Hoyos)
Inanunsyo naman ni G. Javy Fabello, Pangalawang Punongguro para sa Academics, ang mga nagwagi sa BALAGTASAN 2022
Pangkat 1
- Erwin Arroyo (12-Bobola)
- Jhane Estella Mhey Dolor (11-Borja)
- Eugenio Alfredo C. Paguia (12-Pro)
Bago dumako sa pag-anunsyo sa mga nagwagi sa Harana at Origs, tinanghal ni Nino Cornel ang kanyang tulang pinamagatang “Daíng ng Daing” (Keha nin Badi’), na nakakuha ng unang gantimpala sa tula.
Si Gng. Jen Concepcion, Pangalawang Punongguro sa Formation, naman ang nag-anunsyo sa mga pangkat na nagwagi sa HARANA sa dalawang kategorya: biswal at musika
PINAKAMAHUSAY NA BISWAL
- Unang Gantimpala: 11-Campion (Nobela)
- Pangalawang Gantimpala: 11-Mayer (Callalily)
- Pangatlong Gantimpala: 11-Owen (Up Dharma Down)
- Ikaapat na Gantimpala: 11-Hurtado (Itchyworms)
- Ikalimang Gantimpala: 11-Borja (Cueshe)
PINAKAMAHUSAY NA MUSIKA
- Unang Gantimpala: 11-Hoyos (Sponge Cola)
- Pangalawang Gantimpala: 11-Owen (Up Dharma Down)
- Pangatlong Gantimpala: 11-Campion (Nobela)
- Ikaapat na Gantimpala: 11-Hurtado (Itchyworms)
- Ikalimang Gantimpala: 11-Escribano (Orange and Lemons)
Inanunsyo naman ni G. Noel Miranda, ang Punongguro ng ASHS, ang mga nagwagi sa dalawang kategorya ng ORIGS: biswal at musika at titik
PINAKAMAHUSAY NA BISWAL
- Unang Gantimpala: 12-Kibe
- Pangalawang Gantimpala: 12-Aquaviva
- Pangatlong Gantimpala: 12-Daniel
- Ikaapat na Gantimpala: 12-Grodecky
- Ikalimang Gantimpala: 12-Walpole
PINAKAMAHUSAY NA MUSIKA AT TITIK
- Unang Gantimpala: 12-Kibe
- Pangalawang Gantimpala: 12-Holland
- Pangatlong Gantimpala: 12-Ogilvie
- Ikaapat na Gantimpala: 12-Pro
- Ikalimang Gantimpala: 12-Aquaviva
Nagbigay ng pampinid na mensahe para sa ASHS si G. Miranda kung saan pinasalamatan niya ang mga organisasyon at indibidwal na nagtulong-tulong upang “matagumpay” na mailunsad ang programa.
Bilang pagtatapos naman, kinanta ng MIO ang kanilang rendisyon ng “Liwanag sa Dilim” ng Rivermaya bilang panghuling pagtatanghal.
