
Noong ika-28 ng Pebrero 2023, lumubog ang motor tanker na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro na nagdulot ng isang lubos na nakapipinsalang oil spill sa Tablas Strait. Ayon sa DENR, 12 sa 14 na munisipalidad ng Oriental Mindoro ang apektado ng naturang sakuna sa karagatan, buhat ng masamang epekto ng oil spill. Bukod sa nakalalasong epekto ng langis sa mga isda, ibon, at mga halamang tubig, nag-iiwan din ng pangmatagalang epekto ang mga oil spill sa katatagan ng marine ecosystem.
Likha ni Jae
