
Ni Alex Lauricio
Ang ASHS ay tahanan ng samu’t saring klase ng mag-aaral—at natatanaw natin sa ating pagkakaiba na lahat tayo ay may iba’t ibang pangangailangan. Sa iba, ito ay respeto para sa kanilang kasarian; at sa iba, kailangan naman nilang gumamit ng tungkod para makatayo, o ‘di kaya’y tanso at bakal para makagalaw. Bagama’t marami na ang nagawa upang sila’y matulungan, malayo pa rin ang kinakailangang tahakin upang talagang mapasaalang-alang ang pangangailangan ng bawat isa—sa ASHS man o sa Pilipinas.
Habang lumalaki ang populasyon ng mga taong may ibang kakayahan sa ASHS, mas lumalaki rin ang pangangailangan na mabigyan sila ng angkop na tulong upang makasabay at mabigyan sila ng parehas na oportunidad sa kanilang mga kaklase.
Aksesibilidad
Bagama’t nadadalian tayong buhatin ang ating mga paa at kusang buksan ang pinto, itong eksenang ito’y hindi parehas para sa iba—samu’t sari ang ating mga karanasan at hindi natin naaakala na iba’y nahihirapan, at ito ay ating dapat kilalanin at mas lalong maunawa.
Ang Intellectual and Developmental Disabilities (IDD) ay tumutukoy sa anumang sintomas at kundisyon na nagresusulta sa naiibang pisikal o mental na katangian. Kaakibat naman dito ay isa pang termino—and People With Disabilities (PWDs) na mas kilala at mas karaniwan na ginagamit sa kasalukuyan.
“To put it into perspective, over 200 million Filipinos with IDD are considered second class citizens,” ani ni Clara Mortensen—ang kasalukuyang pinuno ng sandigang Idiyanale.
Ang saklaw ng IDD ay malawak, at ang karanasan at kwento ng isang miyembro ng mga taong may IDD ay higit na naiiba sa nararanasan ng iba; hindi makakatayo ang lumpo kapag binigyan mo ng salamin, at hindi makakakita ang bulag kung binigyan mo ng tungkod. Walang iisang sagot ang naroroon para mabigyang serbisyo at hustisya ang lahat ng miyembrong may IDD.
Ngunit, may maliliit na hakbang namang maaring gawin—gaya ng mga rampa na nakapalibot sa ASHS, o hindi kaya’y ang mga tansong hawakan sa banyo bilalang alalay.
Gampanin ng Paaralan
Ang elebeytor sa FLC pati sa ASHS, bukod sa maaari itong gamitin ng mga employado ng paaralan, ay pinapayagang gamitin ng mga estudyanteng may elevator pass. Ito ay ibinibigay lamang sa mga estudyanteng nahihirapan makagamit ng hagdanan, at kinakailangan makapagpakita ng mga dokumento sa administrasyon ng ASHS na makasusuporta dito.
Tinutulungan din ng mga guwardiya ang mga estudyanteng nangangailangan ng tulong makakilos—kabilang ang mga taong gumagamit ng wheelchair, tungkod, o mga saklay.
Maliban sa elebeytor ay may mga inisyatibo ang paaralan upang matulungan ang mga taong may ibang kakayahan—kagaya ng alternatibong klase sa Physical Education (PE), na tinatawag na Hope. Kinakailangan lamang magpakita ng medical certificate bilang katwiran na may kundisyon silang makakahadlang sa kanilang pagkasama sa PE.
Ani nga ng Communications Head ng Idiyanale na si Anya Nisperos: “Awareness and concern without action is merely just observation and feigning ignorance to the reality of our community.”
Bukod sa mga suhestiyong magkaroon ng pagsasanay ang mga guro at estudyante upang kilalanin nila ang mga hinaharap ng mga taong may IDD, iminungkahi rin ni Clara at Anya na magkaroon ng workshops o ‘di kaya’y gumawa ng mga sesyon sa Formation at Guidance na nakasentro sa pag-unawa ng mga taong may IDD. Kilala rin ang Idiyanale dahil sa kanilang paglunsad ng mga plano kaagapay ang Best Buddies PH, isang NGO na kilala sa kanilang pagtulong sa mga taong may IDD.
Maliban sa administrayon ng ASHS, mayroon ding mga inisyatibo na nagmumula sa mga estudyante, kabilang ang bagong sandigang Idiyanale, na ibig na silbihan ang mga taong iba ang kakayahan.
“Through Idiyanale, I hope that we as an organization could be able to change this circumstance and propose more projects to help with the school’s goal of inclusivity to all members of society,” dagdag ni Anya.
Malayo na, Pero Malayo pa!
“I’d rather use Idiyanale as a platform for those with IDD to come, feel welcomed by us, and speak about how we student leaders can best represent and aid them in whatever they may need,” wika ni Clara.
Kilala ang diyosang si Idiyanale sa ating mitolohiya bilang simbolo ng mabubuting gawain—naaangkop lamang bilang salamin ng mga paniniwala at mga pinapahalagahan ng bagong sandigan sa ASHS na kapangalan niya.
Ang laban ng representasyon at boses ng mga taong may IDD sa ASHS ay isang malayo at mahirap na tahak—patungo man tayo sa isang kinabukasang na mas bukas at nakatutulong sa mga taong may IDD, tayo mismo ay kailangang kumilos para marating ang puntong iyon. Ang Idiyanale ay isang malaking hakbang para dito.
May huling payo lamang si Anya—“Ateneo should not only be known for its blue eagle mascot, its classrooms, or maybe the numerous organizations. It should also be known as an inclusive community with open-minded students who care about each other despite differences.”
