Ika-52 taong anibersaryo ng Batas Militar, inalala ng ASHS

Larawan ni Cronus

Ni Zenith

Simula ika-23 hanggang ika-27 ng Setyembre sa una at ikalawang palapag ng gusali ng ASHS at Formation Learning Center, ang buong komunidad ng Ateneo Senior High School (ASHS) ay nakilahok sa “SingKWENTA y Dos,” isang proyekto na binubuo ng mga aktibidad ng Sanggunian, iba’t ibang  konseho, at OSCCs bilang pag-alala sa ika-52 taon ng deklarasyon ng Batas Militar ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ilan sa mga aktibidad dito ay ang “Tawag Niya, Tawag Mo,” “Tudla ng Bayanihan,” “Isang Sagot, Isang Tanong,” “Dinig Kita,” “Laya Liriko,” “Daan ng San Juanico,” “Maisasagot Mo Kaya?,” “Kamalayang Kamayan,” at “Isinatrono Ang Walang Sinasanto.” Nagkaroon din ng coffee booth ang Silingan, isang kapehan na tumutulong sa mga biktima ng extrajudicial killings.

Ang iba’t ibang aktibidad na naglalayon palakasin ang kamalayan ng bawat isa tungkol sa mga pangyayari noong panahon ng Batas Militar ay kinabibilangan ng mga sesyon ng panonood ng pelikula, mga eksibisyon ng sining, interaktibong pagpipinta gamit ang kamay, mga flash mob, at protesta.

Right now, it’s a pressing issue, ‘yung historical revisionism. And we can see with our own eyes how efforts are being made to erase what happened before. That is why it’s super important to commemorate Martial Law because we need to keep reminding this generation and also future generations that no matter how much time has passed, it’s still a relevant issue and it still needs to be done,” pagbabahagi ng isang opisyal ng Sanggunian.

“Kaya nga ang title ng Martial Law commemoration natin ay “SingKWENTA y Dos” na naka-capitalized ang kwenta kasi kahit limangpu’t dalawang taon na ang nakalipas, may kwenta pa rin ang kuwento ng mga tao na nakaranas ng Batas Militar,” pagpapaliwanag niya pa.

AlunSay Mo?

Noong Miyerkules, ikaw-25 ng Setyembre, nangyari ang “AlunSay Mo?,” isang talakayan kasama ang Sandigan Alunsina at Kamalayan at Tinig ng Atenista (KaTA) sa Blackbox Theater na “naglayong mapalalim ang pag-unawa mag-aaral ng kaganapan ng Batas Militar at magsilbing plataporma upang makibahagi ang mga mag-aaral sa talakayan ukol sa Batas Militar.”

Si Gng. Shiony Binamira, isa sa 35 computer technicians na nag-walkout bilang protesta sa pandaraya sa bilang ng boto noong 1986 Presidential Snap Elections, ay ang naging resource speaker ng proyektong ito.

Ibinahagi niya ang kanyang mga naging karanasan sa pagtindig para sa katotohanan na nais nilang ipaalam sa mga Pilipino noong panahong iyon.

“Naniniwala ako na bahagi ng ating kulturang Pilipino ay ang ating kasaysayan dahil ang ating nakaraan ay may epekto sa ating kasalukuyan at sa ating kinabukasan. …Kung kaya’t nakita ko ang kahalagahan na magkaroon muli ng pagbabahagi ng katotohanan at reyalidad sa naganap noong Batas Militar,” banggit ng isa sa mga nag-organisa ng programa.

“Ninais ng Alunsina na magkaroon ng lugar ang mga mag-aaral ng ASHS na direktang makibahagi sa talakayan tungkol sa Batas Militar. Mula sa pangalan nito, nais tanungin ng AlunSay Mo ang bawat mag-aaral: anong masasabi mo? Anong maibabahagi mo? Paano ka makikisangkot?,” dagdag niya pa.

Ang mga mag-aaral, guro, at iba pang mga miyembro ng komunidad ng ASHS ay aktibong naki-isa sa isang linggong mga aktibidad ng “SingKWENTA y Dos.”
“For me, I think it’s important to commemorate this event, not just for the event, like what happened itself, but what’s more important is the people who stacked up together to fight for what they thought was right and to fight for their country and for their families, which I think is really important to highlight here,” banggit ng isang mag-aaral na nakibahagi sa pag-alala ng Batas Militar.

Leave a comment