
Ni Glaiza Salanio
Noong ika-14 at ika-15 ng Nobyembre, nagdaos ng scholars’ care and formation sessions sa Ateneo Senior High School (ASHS) Campus ang Office of Admissions and Scholarships (OAS) ng ASHS, katuwang ang Samahan ng mga Iskolar na Naglilingkod at Gumagabay (SINAG), upang mapabuti ang personal at espirituwal na kapakanan ng mga iskolar.
Ginanap ang unang araw sa organization session ng SINAG sa Room 118 ng ASHS, habang ang ikalawang araw naman ay nangyari sa St. Aloysius Gonzaga Chapel para sa ibang mga iskolar na hindi bahagi ng SINAG.
Nagsilbing pagkakataon ang mga sesyon upang mapagnilayan ng mga iskolar ang kanilang mga karanasan sa unang semestro ng kasalukuyang taong panuruan.
Nagsimula ang ikalawang sesyon sa pambungad na pananalita ni Ms. Sylvia Aldana, isa sa mga moderators ng SINAG, na nagpaalala sa mga iskolar na gamitin ang scholars’ care and formation session upang magpahinga.
Sinundan ito ng panonood ng maikling pelikula na ginamit din upang maging punto ng repleksyon sa talakayan ng mga binuong grupo.
Nagkaroon din ng isang salu-salo bilang pagtatapos ng sesyon.
“It was really nice. We were able to relate with each other, and [I] felt less alone as we bonded with the scholars,” sabi ni Ivonne Castillo ng 11-Moscoso.
“This session was actually so good because I got to relate with a lot of people,” dagdag ni Diana Villafuerte ng 11-Nakaura.
