“Bumoses Ka: A Voters’ Education Program,” inilunsad ng SINAG, KaTA, Alunsina

By Glaiza Salanio

Noong Lunes, ika-24 ng Marso, ang Samahan ng mga Iskolar na Naglilingkod at Gumagabay (SINAG), katuwang ang Kamalayan at Tinig ng Atenista (KaTA) at Sandigan Alunsina, ay nagdaos ng isang programang pinamagatang “Bumoses Ka: A Voters’ Education Program” na ginanap sa Room 118A ng Ateneo Senior High School (ASHS) Main Building.

Nilayon ng programang ito na bigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng pamantayan sa pagboto at kung paano suriin ang mga kandidato para sa darating na pambansang halalan.

Ibinahagi ng tagapagsalita na si Karlo Abadines, punong-tagapamahala ng Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB), na ang pagboto ay mahalaga at makapangyarihan.

For me, voting is not just a right, voting is not just a responsibility, kailangan maintindihan natin lahat na ang pagboboto ay kapangyarihan,” ani niya.

Ipinaliwanag din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na isipan sa usaping pulitika at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa ekonomiya ng bansa upang makapili ng nararapat na pinuno para sa lahat.

Dagdag pa niya, maraming pinunong pampulitika ang patuloy na nakikinabang sa kasalukuyang sistema, kaya mahalagang gamitin ng mamamayan ang kanilang kapangyarihan sa pagboto upang manawagan ng pagbabago at pananagutan sa gobyerno.

Dinaluhan ng mga mag-aaral ng ASHS ang programang ito, kabilang ang mga unang beses na boboto at maging ang mga hindi pa rehistradong botante.

As a non-voter, I was really interested in voter education, especially since I will be one soon. The trio of organizations that made this talk possible are all ones with very powerful and relevant advocacies, and I trusted that they could make a talk that was fruitful and informative for voters and non-voters alike. The significance of this talk isn’t just as a talk, but as an opportunity to learn about what to have in mind when my time comes to vote,” sabi ni Mio Mercado ng 11-Hoyos.

As a first-time voter soon, I found it really important to educate myself and gather different opinions in regard to what I must look out for during the voting process. It also really helps a lot that the organizations invited are very capable in giving out these different perspectives and ideas which are important for first-time voters like me to acknowledge and to have as we enter an important stage of our lives,” ayon naman kay Benj Francia ng 12-Navarro.

Leave a comment