SINAG, idinaos ang Ohana: Scholar’s Welcoming Event

By AJ Alarcon

By AJ Alarcon

Noong Sabado, ika-30 ng Agosto, ginanap ng Samahan ng mga Iskolar na Naglilingkod at Gumagabay (SINAG) ang Ohana: Scholars’ Welcoming Event sa Blackbox Theatre ng Ateneo Senior High School (ASHS) upang salubungin ang mga iskolar ng ika-11 baitang.

Sa pamamagitan ng isang recorded video, nagbigay ng pambungad na mensahe ang punongguro ng ASHS na si Gng. Rosanna Borja.

“Nandito na kayo, for better or worse, and you have earned the right to be here,” inihayag niya.

Dagdag pa niya, “Kaya sana, huwag [na ninyong] ulit-ulitin pang itanong sa sarili ninyo kung deserve [ba talaga ninyong] mapunta dito.”

Hinikayat din ng punongguro ang mga iskolar na maging mapagpasalamat at gamitin ang kanilang pananatili sa ASHS upang magserbisyo sa kapuwa.

Ipinaliwanag naman ng SINAG Organization Head na si Clark Caranto at ng Formation and Member Care Vice President na si Chloe Licayan ang temang “Ohana,” na nangangahulugang “pamilya.”

Nagkaroon din ng iba’t ibang laro gaya ng Group Cheers and Banners, Ohana-mazing Race, Letter Writing, at iba pa upang palakasin ang samahan at ugnayan ng mga iskolar sa isa’t isa.

Pinanood din ng mga dumalo ang isang video greeting mula kay G. Cedrik Nepomuceno, isa sa mga tagapagtatag ng SINAG.

“My hope is that you continue to make SINAG not just a place where scholars belong, but a place where that belonging drives you outward,” ani Nepomuceno.

Ipinakilala rin ng mga opisyal ng SINAG ang kanilang organisasyon, kabilang ang mga adbokasiya, proyekto, at mga komite.

Bilang bahagi ng programa, naghandog ng pagtatanghal ang ASHS Glee Club, ang bandang K5, at ang Indayog ng Atenistang Kabataan (IndAK).

Sa likod ng Ohana

Sa isang panayam, ibinahagi ni Caranto na hindi naging madali ang kanilang paghahanda para sa kaganapan.

“We’re trying to cater to the entire junior scholar population so that’s already a big part of the junior batch,” aniya.

Dagdag pa niya, nagpasya ang SINAG na ilipat ang petsa ng kaganapan sa ika-30 ng Agosto mula sa orihinal na ika-23 ng Agosto, dahil long weekend ito at maaaring maraming hindi makadalo.

“I think that decision was really pivotal to how well the event is currently performed and executed,” wika ni Caranto.

Ayon naman kay Cedrick De Jesus, isang iskolar mula sa 11-Grande, “Coming here to [the] ASHS, I’m one of the students that … in my view, ‘what if I get set apart sa ibang students ’cause they’re not scholars?’”

“When I managed to sign up for SINAG, I felt like I finally found … my community — my home,” dagdag niya.

Bilang pagtatapos, nagbigay ng mensahe si Jilliana Lim, Organization Head ng SINAG noong huling Taong Panunuran (TP), na sinundan ng repleksyon mula kay G. Noel Miranda, moderator ng SINAG.

Leave a comment