Simbang Gabi sa Gesù ’25 nagsimula na; ASHS, sponsor ng Ikalawang Gabi

Binuksan na ang Church of the Gesù ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang mga Banal na Misa ng Simbang Gabi nitong Lunes, Disyembre 15, alas-8 n.g., kung saan isinponsor ang Ikalawang Gabi ng Ateneo Senior High School (ASHS) sa Martes, Disyembre 16.

Pinamunuan ni Fr. Kit Bautista, SJ ang Unang Gabi at siya rin ang naghatid ng homiliyang nakasentro sa korapsyon sa hanay ng mga pulis.

Inalala niya ang mga pelikulang napapanood niya noon kung saan inilalarawan ang pulisya bilang mga kontrabida.

“Sila ang mga arte na pulis. Mga corrupt na pulis — nang-aapi sa kanilang kapwa, nag-eextort ng pera sa mga mahirap … pumapatay ng mga inosente sa utos ni Gov o ni Mayor,” aniya.

“Akala ko no’ng bata ako, sa pelikula lang ‘yan,” dagdag niya.

Tinukoy niya ang mga kaso ng extrajudicial killings (EJK) noong panahon ng administrasyong Rodrigo Roa Duterte mula 2016 hanggang 2022, kung saan karamihan aniya ng mga biktima ay mga kabataang mahihirap.

Saad ni Bautista, “Ang tanong, by what authority do they do these things? Who gave them the authority to kill?”

Ikinumpara niya rin ito sa pagkompronta ng mga pinuno at nakatatanda kay Hesus.

They refuse to acknowledge that Jesus’ authority is from God because doing so would require them to repent and change,” pagninilay niya.

Paliwanag niya rin, isa itong uri ng espirituwal na kaduwagan o “a cowardice that hides under the holy name of religion, that abuses its followers with fear and punishment.”

Sa huli ay nag-iwan siya ng paalala, “On what authority do we do these things and conform? My friends, let it be the name of Jesus Christ, on whose name we have been baptized, and whose name we serve God and others for God’s greater good.”

Bilang taunang tradisyon, nagkaroon ng “Mini Concert” matapos ang Misa, kung saan nagtanghal ang Ateneo Junior High School (AJHS) Glee Club, ASHS Glee Club, at Ateneo College Glee Club (ACGC), bago ang huling awiting “Simbang Gabi” ni Lucio San Pedro.

Ang Ikalawang Gabi naman ay pangungunahan ng kapilyan ng ASHS na si Fr. Noel Bava, SJ, na magsisimula rin sa parehong oras na alas-8 n.g.

Leave a comment