CSO-SBD inilunsad ang ‘EDSAksi’ 

Ni Alexia Bangayan

Nitong Huwebes, Pebrero 26, pinangunahan ng Ateneo Senior High School (ASHS) Council of Student Organizations (CSO) Sector-Based District (SBD) ang “EDSAksi,” bilang pag-alala sa ika-40 anibersaryo ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) People Power Revolution, sa Room 118 ng Main Building.

Nagtulungan ang Samahan ng mga Iskolar na Naglilingkod at Gumagabay (SINAG) at ang ASHS Scouting Organization sa pagsasagawa ng aktibidad, na naglayong palalimin ang kamalayan sa EDSA People Power Revolution at maging mulat sa epekto nito sa bansa.

Pinanood ng mga kalahok ang bidyo ni G. Josh Madarang, Social Sciences Subject Area Coordinator ng ASHS, kung saan tinalakay niya ang kahalagahan ng pagkilala sa nakaraan.

Isinaad niya na ang EDSA Revolution ay bahagi ng kasaysayang naranasan ng mga Pilipino noong panahon ng Martial Law, at sinabing “Losing them is lost history.”

Ayon kay Madarang, hindi sapat ang simpleng pag-alala; nararapat ding tiyakin na hindi na muling mauulit ang nakaraan, sapagkat ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa.

Ang sumunod na panauhin ay si Bb. Irish “Ri” Ordoña, mag-aaral ng Bachelor’s in Public Administration sa University of the Philippines (UP) Diliman, at dating pangulo ng Sanggunian ng ASHS noong Taong Panunuran (T.P.) 2024–2025.

Ibinahagi niya ang apat na paraan ng paggunita sa EDSA Revolution: “(1) Be proactive in learning its history, (2) Monitor current government matters (Nationally/LGU), (3) In daily life: do not perpetuate the values that the Marcos regime thrived in, at (4) Resist oppressive regimes and non-representational governance, and let the spirit of EDSA live through you.

Hinikayat niya ang mga mag-aaral na maging mapanuri sa mga isyu, maging matapang sa pagpapahayag ng opinyon, at huwag magpaapi upang hindi na muli maulit ang nakaraan.

Binigyang-diin niya na “We can all find ways to resist the corruption plaguing our country today, and it starts with the actions we choose to take.

Pahayag ni Sy Singson, miyembro ng SINAG, “This event reframed the EDSA People Power Revolution to me not simply as a triumphant moment in 1986, but a call to action.”

Dagdag pa niya na ang pagsasabi ng “Never Again” ay hindi lamang pagpapaalala sa nakaraan, kundi ang pagtatalaga ng sarili na maging mapanuri sa kasalukuyan upang matiyak na ang mga pang-aabuso at kawalang-katarungan na nagbunsod sa EDSA Revolution ay hindi mauulit.

Leave a comment