Sulat ni Hanan
Sa pagdiriwang natin ng ika-127 taon mula nang makamit ang ating kalayaan, mahalagang huminto at pagnilayan ang ating pag-unlad bilang isang bansa, gayundin ang mga hamon na humahadlang sa ating kalayaan — lalo na sa kasalukuyang panahon. Sa kabila ng ating itinatag na kalayaan, tayo ay bilanggo pa rin ng ating nakaraan habang patuloy tayong nalilito sa ating sariling pagkakakilanlan at kultura. Tunay nga bang tayo ay isang malayang bansa o kaduda-duda pa rin ito, sanhi ng impluwensya mula sa ibang bansa pati na rin ang kaisipan ng mga Pilipino?
