Pinoytuntunan 2025, ipinagdiwang ng ASHS

By AJ Alarcon

BASAHIN: Ipinagdiwang ng komunidad ng Ateneo Senior High School (ASHS) ang Pinoytuntunan 2025, rurok ng paggunita sa Buwan ng Wika na may temang “Timpuyog,” o pagkakaisa, noong Martes, Setyembre 2, sa ikatlong palapag ng Formation and Learning Center (FLC).

Wikang Wasak-Wasak

By Jelena Villorente

UGNAY: Ang Pilipinas ay isang bansang binubuo ng napakaraming lengguwahe; bawat isla, lungsod, at rehiyon ay may kani-kaniyang diyalekto kahit saang lugar ka man mapadpad. Bukod sa lokasyon, maaari din nating iugnay ang dibersidad ng wika sa iba’t ibang mga panlipunang pangkat at ang mga magkakaibang kulturang sinasalamin ng mga ito — ngunit, sa kabila ng pagkadinamiko ng ating pananalita, umiiral pa rin ang herarkiya ng wika sa ating lipunan, at ang paghuhusgang nagiging bunga nito.

Ang Boses ng Pamana

By Gilli Aquino

TINIG: Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay naglalaman ng maraming masayang aktibidad upang makapag-ugnayan sa mga kaklase at makagawa ng mga bagong alaala. Ngunit, bukod sa kasiyahan ng ‘Bihis Pinoy’ at ang mga sigawan sa bawat sesyon ng videoke, ang buwan ng Agosto ay tanda ng panahon para pahalagahan natin ang wikang naglalarawan sa ating bilang mga Pilipino — isang wika na may kasaysayan na inilatag ng ating mga ninuno.

Buwan ng Wika opisyal na nagwakas sa Pinoytuntunan

Nagtipon ang buong komunidad ng Ateneo Senior High School (ASHS) noong Biyernes, Agosto 30 sa Formation Learning Center para sa Pinoytuntunan, ang pangwakas na programa ng buwan ng wika na may temang “Sumayaw, Sumunod sa Mapagpalayang Musika ng Dekada 70 at 80.”