Sinalubong ng isang noise barrage na pinamagatang ‘Tawag Niya, Tawag Mo’ ang umaga ng ASHS noong Setyembre 23, 2024. Pinuno rin ng iba’t ibang aktibidad na naglalayong gunatain at alalahanin ang madilim na nakaraan ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ang linggong ito. Subalit, matapos ang pakikibaka at pagtindig, ano ang susunod na gagawin mo, ASHS? Kabataan, ano na ang magiging susunod mong hakbang?
Tag: Filipino
Bagong Pilipinas Recap: Pagbabalik sa Daan Tungo sa Bagong Pilipinas
Matapos ang dalawang taong pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, tila naging mabilis ang takbo ng oras para sa bagong administrasyon dulot ng samu’t saring pangyayari na naranasan sa bansa. Subalit, sapat na nga ba ang mga pangyayaring ito upang mapanindigan ng bansa ang katagang ‘Bagong Pilipinas?’
