Ika-52 taong anibersaryo ng Batas Militar, inalala ng ASHS

Simula ika-23 hanggang ika-27 ng Setyembre sa una at ikalawang palapag ng gusali ng ASHS at Formation Learning Center, ang buong komunidad ng Ateneo Senior High School (ASHS) ay nakilahok sa “SingKWENTA y Dos,” isang proyekto na binubuo ng mga aktibidad ng Sanggunian, iba’t ibang konseho, at OSCCs bilang pag-alala sa ika-52 taon ng deklarasyon ng Batas Militar ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.