Noong Sabado, Agosto 24, ginanap ang “Tahanan” isang welcoming party para sa mga iskolar ng ika-11 baitang na pinamunuan ng Samahan ng mga Iskolar na Naglilingkod at Gumagabay (SINAG) sa Blackbox Theatre sa unang palapag ng Ateneo Senior High School (ASHS) main building. Kasabay nito ang Parent’s Day, kung saan nagkaroon ng pagtitipon ang mga magulang at mga guro upang pag-usapan ang mga magaganap sa bagong taong panunuran.
